Ni: Kate Louise Javier
Isang 70-anyos na pasyente ang tumalon mula sa bintana ng ospital kung saan siya nakaratay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Senior Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, namatay si Rolando Flores, may Chronic Obstructive Pulmonary Disease, matapos magpatiwakal sa Valenzuela Medical Center (VMC).
Base sa inisyal na imbestigasyon, ginising si Nely Cabañes, kinakasama ni Flores, ng ibang pasyente sa nasabing ospital nang tumalon ang biktima mula bintana na nasa ikaapat na palapag ng ospital, dakong 11:00 ng gabi.
Agad ipinasok sa ospital si Flores ngunit huli na ang lahat.