Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Apat na katao na pawang hinihinalang drug pusher ang naaresto sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Nueva Ecija nitong Martes, ayon sa Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU).

Sa bayan ng Jaen, pinangunahan ni Chief Insp. Joel Dela Cruz ang search operation at naaresto si Rolando De Belen, magsasaka, 39, ng Barangay Ulanin Pitak nang magpatupad ng search warrant, at nakumpiskahan umano ng apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Sa San Jose City, kinilala naman ni Supt. Reynaldo dela Cruz ang tatlong naaresto na sina Albert Ballesteros, 31, tricycle driver; Sonny Senosa, 39, security guard; at Albert Lacorte, 24, pawang taga-Barangay Abar 1st.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasamsam umano mula sa tatlo ang apat na plastic sachet ng shabu, marked money at drug paraphernalia.