Mga Laro Ngayon

(Perpetual Help Gym)

2 n.h. -- Perpetual Help vs San Beda (jrs)

4 n.h. -- Perpetual Help vs San Beda (srs)

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

PAGKAKATAON ng Perpetual Help na maibangon ang dangal mula sa kabiguang ipinalasap ng defending champion San Beda sa Final Four series sa nakalipas na season sa muling pagtututos ngayon sa 93rd NCAA basketball tournament sa Perpetual Help Gym sa Las Pinas.

Abot-kamay ng Las Pinas-based dribblers ang Finals nang gapiin ang Red Lions sa Game 2 ng kanilang best-of-three semifinal duel, 87-83; ngunit nakaganti ang San Beda, 76-63, sa do-or-die.

“It was still painful and we hope we could beat them (San Beda) this time,” sambit ni Perpetual Help coach Jimwell Gican.

Galing ang Altas sa impresibong 68-59 panalo kontra Arellano U Chiefs, last year’s runners up, para sa ikatlong panalo sa apat na laro nitong Martes.

Nanguna si Nigerian Prince Eze sa Altas sa naiskor na career-high 23 puntos at 21 rebounds.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon.

Ngunit, mabigat ang laban ng Altas. Tangan ng San Beda ang five-game winning streak na nagluklok sa kanila sa No.2 spot tangan ang 6-1 karta, sa likod ng walang talong Lyceum of the Philippines (7-0).

“We have to really play defense, that’s our only chance to beat San Beda,” pahayag ni Gican.