Ni: Anthony Giron

ROSARIO, Cavite – Dalawang pugante ang napatay kahapon ng madaling araw makaraan umanong makipagbarilan at maghagis ng granada sa mga pulis na tumutugis sa kanila sa baybayin ng Dreamland sa Barangay Muzon II sa Rosario, Cavite.

Kinilala ni Chief Insp. Mark Joseph Saguid Laygo, hepe ng Rosario Police, ang mga nasawi na sina Josefino Garcia Abad, alyas “Jeorge”; at Lindon Layogoy Bartolo, alyas “Dokleng.”

Nabatid na ilang beses na nagpaputok ng baril si Abad sa mga pulis habang naghagis naman ng granada si Bartolo kaya pinagbabaril sila ng mga puls.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ayon kay Laygo, kapwa umano tulak sina Abad at Bartolo na pumuga, kasama ng tatlo pang bilanggo, mula sa Rosario municipal jail nitong madaling araw ng Agosto 9.

Pawang sangkot din sa ilegal na droga at pinaghahanap pa ng mga pulis hanggang ngayon sina Frederick Legaspi, Cannymar Cariño, at Ryan James Villanueva.