Ni NITZ MIRALLES

PERFECT host si Heart Evangelista ng leading man niya sa My Korean Jagiya na si Alexander Lee dahil noong birthday nito, nagpa-party ang aktres sa bahay nila ni Sen. Chiz Escudero. Inimbitahan niya ang iba pang Korean stars na sina David Kim, Jerry Lee at Michelle Oh kasama sa cast.

HEART AT ALEXANDER copy copy

Invited din sa birthday treat ni Heart kay Alexander sina Janice de Belen, Iya Villania at Ricky Davao na kasama rin nila sa first Pinoy-Korean series pati na ang ilang creative staff ng show (na premiere airing na sa August 21).

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Tuwang-tuwa si Alexander at bukod sa pagpo-post ng pictures sa birthday dinner sa kanya ni Heart, may maganda rin siyang comment.

“Thank you very much for the birthday greetings. I had a really really FUN birthday indeed. Really thankful to have a group of nice people here to celebrate with me. Especially special thanks to Heart for arranging this birthday dinner in her beautiful house. This sweet Heart is really a God-sent angel to me! Thank you so much for always taking care of me! Praise the Lord for giving me such an unforgettable birthday this year!”

Sinamahan din ni Heart ang apat na Korean stars na mamasyal sa Rockwell at sabi ni Alexander, “Makati area is indeed nice.”

Ang hindi pa natutupad ni Heart sa Korean stars ay ang pangako niyang dadalhin ang mga ito sa iba’t ibang parte ng bansa. Siguro, ‘pag nakalibre sila sa schedule at bago sila bumalik ng Korea, saka ipapasyal nina Heart at Sen. Chiz sa ilang tourist spots natin ang mga bago nilang kaibigan.