MAGDIRIWANG si Jamie Rivera ng kanyang ika-30 taon sa showbiz sa pamamagitan ng isang bonggang show, ang Hey It’s Me, Jamie! 30 Years The Concert sa Music Museum sa Setyembre 8 (Biyernes), 8 PM.

JAMIE_please crop copy copy

Tampok sa Star Events production na ito ang iba’t ibang musika ng dating Miss Saigon actress na hindi tulad ng karamihan sa mga mang-aawit na nananatili sa isang genre, dahil ang tatlong dekada niya sa showbiz ay markado ng iba’t ibang klase ng awitin: love songs, mga awitin para sa anak at pamilya, at bigating inspirational hits.

Ayon sa singer-songwriter, mas gusto niyang iba’t ibang klase ng genre ng musika ang ginagawa niya. “Mahalaga ang constant reinvention sa ating sarili, lalo na para magamit ang talents na ibinigay ng Diyos. Ibinabalik ko rin sa Kanya ito dahil sa blessings at pagmamahal na galing sa Kanya, nandito pa rin ako pagkatapos ng 30 taon.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sasamahan ang Inspirational Diva ng ilang mga kaibigan niya sa industriya tulad nina Pinky Amador, Ito Rapadas, Jenine Desiderio, Bimbo Cerrudo, Jason Zamora, at Joshua Zamora sa pinakainaabangang show. Kasama rin dito ang ilan sa sikat na young singers ngayon na sina Jona, Klarisse, Bailey May, at Janella Salvador.

Si Paolo Valenciano ang magdidirihe ng show kasama si Bond Samson bilang musical director.

Marami nang awiting pinasikat si Jamie, ang ilan sa mga ito ay ang tumatak na inspirational songs tulad ng Tanging Yaman, Tell The World of His Love, Hiram Sa Diyos, Jubilee Song, at ang theme song para sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 na We Are All God’s Children. Bukod dito, pinasikat din niya ang mga awiting I’ve Fallen For You, Pangarap Ka Na Lang Ba, at Hey It’s Me.

Mabibili na ang tickets ng Hey It’s Me, Jamie! concert sa halagang P3,500.00 (VIP), P2,500.00 (orchestra), at P1,000.00 (balcony) sa Ticketworld at sa Music Museum. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicph) at sa Twitter at Instagram @starmusicph.