Ni NORA CALDERON

EXCITED nang mag-taping si Solenn Heussaff ng Alyas Robin Hood 2 dahil nang ganapin ang grand presscon, hindi pa pala siya nakukunan sa taping, kaya nagbiro siya na hindi pa niya alam kung gaanong action scenes at pagpapaseksi ang gagawin niya, dahil alam naman niyang ganito ang mga ipinakita ni Andrea Torres sa unang season.

ANDREA AT SOLENN copy copy

“Most of the cast, ngayon ko lang makakasama, iyong iba, like Dingdong (Dantes) nakakasama ko mag-host, ngayon ko lang siya magiging leading man. Kaya gustung-gusto ko nang magsimulang magtrabaho,” sabi ni Solenn. Naghanda pa rin ako, balik-gym ako at saka marami siguro ang magagamit ko sa mga ginawa kong action scenes sa Encantadia,” kuwento niya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

So, ready na siyang makipagpaseksihan kay Andrea na sa trailer pa lamang na ipinakita sa presscon, napakaseksi talaga at hindi rin umuurong sa mga bakbakan.

“Yes. Saka sabi, vigilante rin ako rito pero hindi alam ni Pepe (Dingdong). Hindi ko alam na siya si Alyas Robin Hood, kilala ko siya bilang lawyer. Then kukunin ko siyang lawyer ko dahil may mga gagawin akong magkakaroon ako ng kaso. But I’m really excited to start working.

“With Andrea, ready na rin ako sa mga paseksihan namin. Nakita ko na ‘yong ginawa niya sa first season, at kakayanin ko rin ‘yon, kahit ang mga action scenes niya. Pero saludo ako sa kanya, walang takot sa mga eksena. I heard, we should not miss our pilot week dahil lahat big scenes, pero may isang napakalaking eksena na kukunan pa lang ni Direk Dominic Zapata.”

Kung excited si Solenn sa Alyas Robin Hood 2, excited din siya sa isa pa niyang show, ang Videoke Challenge na co-host niya si Betong Sumaya. Mga artista ang kanilang guests at may judges na mga artista rin, directed by Louie Ignacio. Nag-enjoy na raw sila sa first taping day nila. The show will start airing sa September sa GMA-7 din.

Ang Alyas Robin Hood 2 ay magsisimula nang mapanood ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras at susundan ng Mulawin vs Ravena at ng finale week ng I Heart Davao pagkatapos.