Ni Edwin Rollon

PH Team, nilayasan ni Caleb;Ferreira, balik aksiyon.

DALAWANG responsibilidad ang hahawakan ni dating SEA Games hammer throw record holder Arneil Ferreira sa pagsabak ng Team Philippines sa 29th Southeast Asian Games sa Agosto 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Playing coach ako boss,” pahayag ng 31-anyos na kampeon sa biennial meet mula 2003-2009.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

caleb copy

“Hindi na nagparamdam si Caleb, mukhang nakakuha na nang trabaho sa US kaya hindi na nagpakita sa National Team,” aniya.

Tinutukoy ni Ferreira ang Fil-American hulkman na si Caleb Stuart, ang defending champion at record holder sa hammer throw.

Nabawi ng Pilipinas ang titulo sa hammer throw noong 2015 SEA Games nang maipukol ni Stuart ang hammer sa layong 65.63 metro at burahin ang dating marka na 62.23-m na naitala ni Tanthipong Phetchaiya ng Thailand noong 2011 edition sa Indonesia.

Ang dating record na binura ng Thai thrower ay 61.69m na naitala ni Ferreira noong 2003 Vietnam edition.

“Medyo mabigat nga ang laban pero nasa kondisyon naman tayo ngayon,” sambit ni Ferreira.

Ayon kay Ferreira, binigyan ng pagkakataon ni Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) president Philip Juico ang Fil-Am na magbalik ensayo, ngunit tuluyan na umano itong tumalikod sa team nang hindi sumipot sa National Open nitong Abril.

“May trabaho na raw sa US. Pero, tingin ko ayaw lang talaga. Kasi may trabaho namang ibinigay sa kanya si Sir Popoy (Juico) pero hindi naman niya tinanggap,” aniya.

Batay sa panuntunan ng Philippine Sports Commission (PSC) awtomatikong pinuputol ang allowances ng atletang nakabase sa ibang bansa sa sandaling hindi na ito magensayo at sumabak sa mga sanctioned event ng sports association.

“Sayang, sure gold sana si Caleb, pero gagawin ko ang lahat para maidepensa natin ang korona sa hammer throw,” pahayag ng army reservist, tumapos sa ikaapat sa Singapore (60.08m).

Inaasasahan din si Caleb na maisabak sa Olympics nang maitala ng 6-foot-2 ang personal best na 68.66 sa torneo sa Riverside, California bago ang Singapore SEAG.