NI: Nitz Miralles

ISA sa magagandang comments na nabasa namin para kina Rafael Rosell at Kris Bernal at sa pinagbibidahan nilang afternoon soap ng GMA-7 na Impostora ang sinabi ng isang viewer.

KRIS AT RAFAEL copy

Bagay na bagay daw na magkapareha ang dalawa, they look good together at para silang mga bida sa romance novel dahil parehong good looking. Kay Rafael, hindi lang ka-love team ang nahanap ni Kris kundi pati na kaibigan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“It’s easier to work with a partner who can motivate me especially during heavy scenes,” sabi ni Kris tungkol kay Rafael. “He can also motivate me during real life situations and I can confide with him. I even get to have an instant good looking boy-friend for kicks! Hihihi! #Impostora #SelfieExpert.”

Pinansin din ng viewer ang kahusayan sa pag-arte ni Kris sa dual character na ginagampanan. Hirap man at effort talaga ang pagganap sa role nina Nimfa at Roselle sa Impostora, makakapagmalaki si Kris na pareho niyang nagagampanan ng mahusay ang mga ito.

Samantala, ibinalita ni Kris na magsasara na sa katapusan ng buwan ang Meat Kris Burger stall niya sa may CommunEaty Foodpark sa may Roces Avenue at Tomas Morato, Quezon City. Ililipat niya ang Meat Kris sa @eastseterafoodpark sa Marikina at magbubukas siya ng branch sa may UST area.