SINANDIGAN ng dating high school standouts ang Mapua Cardinals sa impresibong 88-72 panalo kontra Ateneo Blue Eagles nitong weekend sa 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

mapua copy

Hataw si Sherwin Concepcion, isa sa tatlong high school mainstay na nagdala sa Mapua Red Robins sa championship, sa naiskor na 17 puntos para makabawi sa opening day na kabiguan sa Group A.

Kumana naman si last year’s NCAA junior MVP Jasper Salenga ng 17 puntos at nag-ambag si Noah Lugo ng 15 puntos.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naisalpak ni Adrian Nocum ang apat na puntos mula sa free throw, kabilang split shot na bumasag sa 60 puntos na pagtabla may 58.1 segundo ang nalalabi.

Sa iba pang laro, ginapi ng Manila Patriotic School ang Letran, 69-64, habang itinumba ng Far Eastern University ang Mapua Red Robins, 89-72, sa juniors division.

Nangibabaw ang National University sa San Beda-B, 90-84, at ginapi ng La Salle Greenhills ang San Beda-Rizal, 75-62.

Ipinahayag ni Commissioner Robert de la Rosa na kabuuang 30 varsity squads -- 12 sa senior division at 18 sa junior division – ang sumasabak sa torneo.