Ni: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Naglunsad ng malawakang pagtugis ang alert team ng Capas Police para matunton ang lalaking nanunog sa isang Hyundai Accent at nagnakaw ng mahigit P50,000 cash sa V. Pineda Street, Barangay Cubcub, Capas, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO3 Aladin Ao-as, ang sinilabang kotse (AUU-8252) ay pag-aari ni Renato Palo, 56, may asawa, ng nasabing lugar.

Bukod sa panununog sa kotse ay tinangay din umano ni Jay-Ar Gonzales, nasa hustong gulang, ng Sitio Pascuala, Bgy. Sto. Rosario, Capas, ang shoulder bag ng asawa ni Palo na may mahigit P50,000 cash.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

May teorya ang pulisya na maaaring may matinding personal na galit si Gonzales kay Palo.