Ni BELLA GAMOTEA

Hindi nagtagumpay ang isang babaeng dalaw na ipuslit sa Pasay City Jail ang 120 yosi, na isinilid sa condom at itinago sa kanyang ari, para sa kanyang live-in partner kamakalawa.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni Pasay jail warden, Chief Insp. Glennford Quimpo na i-ban o hindi na maaaring dumalaw sa naturang bilangguan si Michelle Bien, 29, ng Libertad Street, Pasay City.

Dadalawin sana ni Bien ang kinakasamang si Nestor Guevarra, 29, nakapiit sa Selda 3, nang mabuking ni Jail Officer 1 Divine Joy Francisco ang mga itinatago niyang sigarilyo, bandang 4:04 ng hapon.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Bilang bahagi ng mahigpit na seguridad ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), isinasailalim sa body search ang mga dalaw upang hindi makalusot ang anumang ipinagbabawal sa loob ng kulungan.