NI: Lito T. Mañago

BUKOD sa lalo pang gumagandang showbiz career, palaging nakasuportang pamilya at girlfriend (model Michelle Arceo) na nagpapasaya sa kanya, natagpuan na ni Albie Casiño ang katahimikang matagal niyang pinangarap.

“Tuwang-tuwa lang po ako,” sambit ni Albie nang makausap ng press after ng Q & A portion sa grand presscon ng Triptiko sa Romulo’s Cafe. “Sa totoo lang, mas gusto ko ‘yung walang intriga. Wala ngang mapag-usapan sa akin ngayon, eh.”

ALBIE copy

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Aminado si Albie na umiwas siya noon sa press dahil sa isyu sa kanila ng dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

“Dati, ayokong pumunta sa mga ganito. Ngayon, okay lang. Wala na nga kayong maitanong sa akin, di ba,” napahalakhak na sabi ng aktor.

Nanghihinayang man daw siya sa pagkawala ng mga pagkakataong makagawa ng TV shows, commercial endorsements at iba pang showbiz projects, bawing-bawi naman siya ngayon.

“Of course, nakapanghihiyang,” pagtatapat niya. “Pero I don’t wanna waste my energy na magagalit pa ako sa ibang tao.

Parang, di ba, kung minumura ako ng mga tao dati, well, hindi naman nila kasalanan ‘yun, di ba? Akala nila, salbahe ako, eh. So I have no grudges.”

Nagkuwento rin si Albie tungkol sa role niya sa Triptiko.

“I play Jake. I’m a millennial guy. Everything I want is given to me. Feeling ko, sobrang suwerte kong tao. ‘Tapos sa isang araw, lahat ng malas na puwedeng mangyari sa isang tao, nangyari sa akin,” lahad ng binata.

Naghubad at may pa-abs din ba siya sa pelikula tulad ni Joseph Marco?

“Okay lang sa akin na hindi ako naghubad sa pelikula kasi nasosobrahan na ako sa ASAP. Lagi na akong nakahubad roon,” tawa ng aktor.

Ang Triptiko ay handog ng Michelena Brothers at kasali sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magsisimula sa Agosto 16.

Kabituin din ni Albie sa pelikula sina Kylie Padilla at Kean Cirpriano, mula sa direksyong ng newbie filmmaker na si Miguel Franco “Mico” Michelena.