Ni REGGEE BONOAN

HINDI alam ni Vhong Navarro ang isiniwalat ng veteran journalist na si Tony Calvento tungkol sa pangatlong rape case na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kanya kamakailan. Nabasura na ang naunang dalawang ikinaso sa kanya na pareho lang din, at nagulat nga raw siya.

VHONG AT LOVI copy copy

Nabanggit pa ni Mr. Calvento na anumang oras ay hahainan ng warrant of arrest ang TV host/actor.

Human-Interest

ALAMIN: Paano nakaligtas si Vishwash Kumar Ramesh sa Air India Flight 171?

Sinolo kasi namin si Vhong para tanungin tungkol dito pagkatapos ng presscon ng Woke Up Like This nitong nakaraang Biyernes.

Walang maisagot si Vhong dahil hindi raw niya alam at hinihintay lang niya ang sasabihin ng abogada niyang si Atty. Alma Mallonga.

Ang sitsit naman ng aming source, sinadya raw itong ilabas kaagad ni Mr. Calvento para i-preempt ang kasong muling isinampa ni Deniece.

Sa panayam namin kay Vhong, nabanggit niya na wala pa siyang natatanggap na warrant of arrest base.

Anyway, sa Q and A ng Woke Up Like This, inamin ni Vhong na alam na niya na mahirap palang maging babae ngayong ginagampanan niya ang karakter ng isang babae sa pelikula. Sa trailer ng Woke Up Like This ay nagkapalit sila ni Lovi Poe ng kasarian na hindi nila matanggap pareho.

“Kaya pala napakaimportante ng Mother’s Day kasi ang hirap palang maging babae, ang hirap palang maging isang ina.

Kasi ang lalaki, paggising namin puwede na kaming umalis, ang babae hindi, kasi ang dami pa pala nilang dapat gawin hindi lang para sa sarili nila kundi para na rin sa loob ng bahay bago nila unahin ang sarili nila.

“Kaya nagtataka ako, eh, ‘pag Father’s Day, nabati lang tayo ng ,’Happy Father’s Day’ bakit ‘pag dumarating ang Mother’s Day, napakaespesyal. Parang doon ko naintindihan talaga na ginawa ng Diyos na mas importante ang babae kaysa sa lalaki, kaya nga sila ang Ilaw ng Tahanan. Para sa akin, kaya pala the best ang mga babae at dapat iginagalang at ‘nirerespeto,” pahayag ng aktor.

Pinuri rin ni Vhong si Lovi na sa set ng Woke Up Like This lang niya na-appreciate nang husto.

“’Yung una kasi naming pelikula, halos hindi kami nag-usap, Shake Rattle and Roll, Regal din ‘yun kasi maiksi lang ‘yun kay Direk Chito (Roño) ‘yun. Dito ko lang siya na-appreciate na ang saya-saya pala niyang kasama, I mean parang tawa lang siya nang tawa sa bawat eksena. Ang sarap kasi kapag ‘yung kaeksena mo tawa lang nang tawa kasi lalo kang ginaganahan.

“Ang natutunan ko pa sa kanya ay ‘yung pagiging professional pa, kung baga akala ko professional na ako, mas nakita ko pa ‘yung pagiging professional ni Lovi. Talagang may mga bagay sa isang aktor na kailangan mo lang gawin kasi ipinapagawa sa ‘yo, kung baga siya, nagre-request siya kasi kailangan kong gawin para sa karakter ko na ginusto niyang gawin iyon at hindi inutos sa kanya.

“Ang sarap lang maski na matagal na ako sa industriya na marami akong natutunan at kailangan hindi ka hihinto o ‘wag kang magyayabang o kaya mo lahat. Dapat lagi kang may matutunan,” kuwento ng TV host/actor.

Sino ang local fremale celebrity ang gusto ni Vhong na maging siya paggising niya?

“Anne Curtis, kasi parang siya ‘yung sobrang sikat, sobrang may kaya sa buhay at the same time, mabait, ‘tapos ang sexy. So gusto kong maging sexy at ano ang pakiramdam na crush ka ng bayan ‘tapos marami kang natutulungan. ‘Tapos ang dami mong raket, parang SM she got it all,” natatawang sagot ng aktor.

Playdate na ng Woke Up Like This sa Agosto 23 mula sa Regal Entertainment at sa direksiyon ni Joel Ferrer.