Ni: Aaron Recuenco

Nag-iimbestiga na ang Philippine National Police (PNP) sa isang dating operatiba ng Rizal Police Provincial Office at mga kasabwat nito na sinasabing nakikipagtulungan sa mga teroristang Maute na patuloy na nakikipagbakbakan sa militar at pulisya sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ngunit ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, hindi sila nakakuha ng konkretong ebidensiya na magdidiin sa dating pulis na umano’y kakampi na ngayon ng Maute, kahit na nakumpiska ang identification card nito sa Marawi City.

“We cannot confirm yet if he was the one holding the identification card before the confiscation. We cannot just conclude yet because some people maybe holding his identification card,” ani dela Rosa.

Bukod sa banta ng Kanlaon, 17 barangay sa Negros Occidental binaha dahil sa habagat

“At this point, we cannot still say that he is in the battle zone in Marawi City,” dagdag pa niya.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na batay sa kanilang background check, ang dating pulis ng Rizal ay nasibak sa serbisyo noong 2014 matapos mag-AWOL (Absent Without Official Leave).

Sinabi rin niyang nag-convert sa Islam ang pulis matapos ma-recruit ng kaibigang pulis na nakatalaga sa Basilan.

Aniya pa, nag-recruit din ang pulis mula sa Basilan ng dalawa pang pulis na nagpapalit din umano ng relihiyon sa Islam, ilang taon na ang nakalipas.

“Being a Balik-Islam is not a crime so we cannot just arrest them until he went on AWOL and we can no longer track him down,” pahayag ni Dela Rosa.

Umusbong ang mga espekulasyon na may ilang pulis na nakikipaglaban kasama ng Maute Group matapos na masamsa ang isang ID ng pulis sa lugar ng digmaan.