Ni: Bella Gamotea
Magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.
Ayon sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Martes ay magtataas ito ng P1 sa kada litro ng gasolina, 85 sentimos sa kerosene, at 80 sentimos naman sa diesel.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong oil price hike.
Ang bagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Agosto 1 nang huling nagtaas ng 50 sentimos sa kada litro ng diesel, 40 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos sa gasolina.