Ni ADOR SALUTA

WALA nang sasaya pa sa nadaramang kaligayahan ni Christopher de Leon sa success ng anak na si Mariel de Leon na siyang reigning Bb. Pilipinas International. Kasunod nito ang pagkakapili sa beauty queen para maging leading lady ni Coco Martin sa bagong Ang Panday na official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

COCO AT MARIEL copy

“Sabi naman ni Coco aalagaan niya ‘yung anak ko, he’s a nice guy,” pahayag ni Boyet. “She’s in safe hands, ‘yung offer as Coco Martin’s leading lady, it’s an offer you cannot refuse. Medyo apprehensive siya when it comes to her acting. But sabi nga ng one of my friends, even my mom said, nanggaling sa pelikula at telebisyon… sa entertainment business ang ‘pinakain mo diyan, it’s in her blood, so why not?”

Mga Pagdiriwang

EXCLUSIVE: Pasukin ang ‘biggest toy and pop culture event’ sa bansa

Dugong artista ang mga De Leon. Ang ina ni Christopher ay si Lilia Dizon, isa sa mga popular na lead actress noong 1950s, ang nanay naman ni Mariel na si Sandy Andolong ay isa ring aktres.

Bagama’t wala pang karanasan sa pag-arte si Mariel, sa kanilang mga payo sa anak, maipapasa ng anak ang unang pagsubok sa akting sa Ang Panday.

“She is excited, very excited about the shoot.Wala, wala talaga, but this is a big offer, it’s not just one of those…

Like in my case, they offered me Tinimbang Ka Ngunit Kulang, I didn’t say I didn’t want to be an actor.”

Ano ang tips sa acting na ibinibigay nila kay Mariel?

“’Yung mother niya laging sinasabi sa kanya, always respect the views of others. Ako naman in all her victories, stay humble, humility in victory. We’ve been talking to her about how to place yourself in front of two cameras, three cameras. Tips on how to deliver your lines, how to use your eyes, stuff like that. ‘Pag nag-uusap-usap lang in the family room, ‘yung mga ganun-ganun lang,” pahayag ni Boyet.