Ni Ernest Hernandez

NAKILITI ang interest ng basketball fans sa pahayag ng Alab Pilipinas sa Twitter ng katagang ‘who could be part of the team next ABL season’?. Nakapaloob sa pahayag ang larawan na may pagkakahawig kina National standout Kiefer Ravena, Ray Parks at retired PBA star Jimmy Alapag.

alpag copy

Para sa mga tagahanga ni Alapag, malinaw sa kanila ang posibilidad na maging coach ng Alab ang dating Gilas Pilipinas mainstay at one-time Meralco Bolts.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

“No, there is nothing. There is nothing definite right now,” maagap na sagot ni Alapag nang kulitin hingil sa naturang isyu.

Ngunit, hindi itinaggi ni Alapag na nakipag-usap siya sa mga kinatawan ng Alab Pilipinas.

“I have been asked about it but hopefully later this week, it will be discussed more. But for now, my whole focus more is more on helping Meralco and helping Gilas Pilipinas,” aniya.

Idinagdag ng tinaguriang ‘Mighty Mouse’ na wala pang pormal na usapin hingil sa pagiging coach niya sa Alab.

“Not negotiations just possible opportunities. Maybe by next week, I have something to clarify on what will happen moving forward,” aniya.

Hindi naman isinisisi ni Alapag ang pagkalat ng isyu sa Alab Pilipinas tweet, subalit handa umano siyang maipaliwanag ang sarili sa naturang isyu.

“It has been mentioned to me but that is the extent of it as of right now,” sambit ni Alapag.

“The thing is, I saw a lot of their games here in Manila this past season. But as of right now, it is just been mentioned but it is pretty much the extent of it.”