Ni ADOR SALUTA

DATING magkabarkada sa GMA-7 sina Rocco Nacino at Aljur Abrenica , pareho rin silang produkto ng reality show ng GMA-7. Hindi na ikinagulat ni Rocco ang desisyon ng kaibigan dahil hindi lang naman si Aljur ang Kapuso sa kasamahan niya na lumipat sa karibal na istasyon.

“Well, it’s just business, eh,” sabi ni Rocco nang makapanayam sa kanyang bagong pelikula. “Kapag ramdam na nila ‘pag oras na nilang lumipat talagang nire-respeto naman ng lahat ng tao ‘yun. I wish Aljur all the best. I’m sure maraming projects ang naghihintay para sa kanya.”

ROCCO AT ALJUR
ROCCO AT ALJUR
Natutuwa siya dahil nakakasiguro ang bagong lipat na aktor na magkakaroon ng future sa paglipat. Sa unang project ni Aljur sa Dos, kaagad siyang ipinoste sa pambansang teleseryeng Ang Probinsyano na nagdiriwang na ng 100th week sa pamamayagpag sa telebisyon.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

“Nababalitaan ko na rin ‘yung mga projects niya so I am really, really happy for him. I’m sure sobrang excited na siyang magtrabaho ulit,” sabi pa ni Rocco.

Sa mga hindi nakakaalam, close si Rocco kay Aljur at sa kinakasamang si Kylie Padilla.

“May ginawa na rin kaming pelikula and of course nakapag-bond na rin kami, so malapit na rin siya sa akin. Kylie is also really close to me, nakasama ko rin sa Enca (Encantadia). So now bagong chapter na siya sa buhay niya and a new chapter in terms of career. I am really happy for him and I wish him all the best and I’m sure looking forward na siya sa mga projects niya,” sey ni Rocco.