NI: Mary Ann Santiago

Nangisay hanggang sa namatay ang isang lalaki nang aksidenteng madikit sa live wire habang naglalakad sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Tinangka pang isalba ng mga doktor ang buhay ni Raymar Demain, 23, ng Block 9, Baseco Compound sa Port Area.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), naglalakad ang biktima sa Block 11 sa Baseco Compound nang masagi nito ang bulto ng electric wires na nakakabit sa naturang lugar, bandang 12:15 ng tanghali.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Aksidenteng nadikit ang biktima sa live wire at nakuryente.