Ni LITO MAÑAGO

BAHAGI ng kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), under the auspices of its Chairman & CEO, Liza Diño-Seguerra, ang pelikulang Triptiko na pinagbibidahan nina Joseph Marco, Kean Cipriano, Kylie Padilla at Albie Casiño, mula sa direksiyon ni Miguel Franco Michelena.

JOSEPH MARCO copy

“I play the role of a model. Isang papasikat na model na tinubuan ng maraming pigsa,” simula ng Wildflower leading man.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Actually, matagal na naming shinoot ito, magto-two years na rin. Ako yata mga February 2016 na nagsimulang mag-shoot, ako ‘yung last na nag-shoot for the film kasi nga, di ba, three stories ito.

“Nagmo-model ang role ko, du’n kumukuha ng income niya, so ‘yun ‘yung takbo ng buhay niya ‘tapos darating sa point na magkakaroon siya ng pigsa. Disappointing, sobra, kasi ‘yun lang kumbaga ‘yung pinagkakakitaan mo ‘tapos magkakasakit ka,” lahad ng aktor.

Ikinatutuwa ni Joseph na nakikinig sa kanilang suggestions ang direktor nila.

“Alam mo ang kagandahan sa mga bagong director, sasabihin sa iyo, ‘Trust your instinct.’ So, pinagkakatiwalaan ka nila. You get to collaborate. Nagbibigay siya ng input, nagbibigay kami in input. Nakatutuwa kay Direk, he’s very passionate in directing kasi nga kapag baguhan ka talagang tutok na tutok. Nakita ko sa kanya ‘yung passion niya,” pagmamalaki ni Joseph sa kanilang direktor.

Umeksena ba sa pelikulang ito ang kanyang ipinagmamalaking abs?

“Parang opening scene pa lang may pa-abs na,” natawang sagot ng binata.

Kamakailan, naging viral ang nude photo ni Ahron Villena sa social media na aksidenteng naisama sa Instagram story nito. Nagulat pa si Joseph nang ipakita ng isang reporter ang photo sa phone.

“Nag-viral ba siya? Sorry, hindi ko alam, eh. Busy kasi kami sa taping ng Wildflower, so tipong hindi ako updated,” pakli niya.

“How is it possible? Wow. Siya ba talaga ‘yan? I know Ahron, mabait naman siyang tao. You know, somehow, I felt bad for him. Kasi alam naman natin, you know, ‘yung pag-aartista ‘yung pinagkukunan natin ng income. Sana maayos na ‘to at kung anuman ‘yung naging pagkakamali niya, sana maging lesson na ito sa kanya. Dapat talaga maging maingat sa mga... you know, especially nowadays, sobrang powerful ng social media.”

Wala ba siyang itinatagong nude photo or video? O hindi ba siya nag-attempt na kumuha for a souvenir?

“Ah, hindi,” mabilis na tugon ng bida ng “Hinog” episode ng Triptiko na second story sa kabuuan ng pelikula. “Takot ako, eh. Baka biglang lumabas or hindi mo alam, may nagta-tap ng phone mo. I don’t want to make any mistakes,” sambit ni Joseph.

Pero banggit niya, hanggang abs lang ang kinukunan niya sa kanyang sarili.

“Dati siguro pero hanggang abs lang. Hindi naman umabot sa parang all the way, ‘yung ganu’n. More on shorts. Usually, after gym, usually pump na pump ka. Parang tsinitsek mo lang. Kasi ako kung may kalokohan ako, sa akin na lang ‘yon.

I’m not gonna, you know, ipakita o ilabas in public,” saad pa ng Kapamilya star.