Jason Momoa, right, speaks as Ray Fisher reacts at the Warner Bros.

SINORPRESA sa kanyang kaarawan ang Aquaman star na si Jason Momoa nang bumisita ang kanyang pamilya sa set ng pelikula.

Tatlumpu’t walong taong gulang na ang Justice League star nitong Martes, at tiniyak ng kanyang asawang si Lisa Bonet, 49, pati ang mga anak nilang sina Lola, 10 at Nakoa-Wolf, 8, na kapiling siya sa pagdiriwang sa set sa Queensland, Australia.

“I have never been so surprised in my life. Thirty-eight (38) is the greatest to date,” saad ng aktor sa kanyang Instagram at nag-post ng litrato kasama ang kanyang pamilya at grupo ng Hawaiian warriors na suot ang native garb.

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?

“I love u my loveee my babies my friends and OHANA to my cast and crew,” dagdag pa niya. “Mahalo for caring. It was so beautiful. Mahalos to all the warriors It was an honor. #mindblown. #roots #connected #mytribe aloha j.”

Nagkakilala sina Momoa at Bonet noong 2005 at isinilang ang kanilang panganay na si Lola noong Hulyo 2007. Nagpakasal sila noong Nobyembre ng taong iyon, kaya naging step-dad si Momoa ni Zoe Kravitz. Ang kanilang second child, si Nakoa-Wolf, ay ipinanganak nang sumunod na taon.

Magkakaroon ng debut ang Hawaii native bilang Aquaman sa Justice League, na ipapalabas sa sinehan sa Nobyembre 17. Ang kanyang standalone film na Aquaman ay ipapalabas naman sa 2018. - People