GLAIZA AT MIKEE copy

KALAT ngayon sa Instagram ang isa sa mga video ng IG stories ni Glaiza de Castro na mapapanood na ang taas-taas ng kanyang energy level habang nakikipagkulitan sa mga kasamahan sa set ng Mulawin vs Ravena in between takes.

Maraming fans ang nag-share nito at pinuri ang Kapuso actress dahil kung gaano raw siya kakulit sa likod ng camera, ganoon naman siya kaseryoso kapag in character na.

No wonder, tutok na tutok ang viewers sa umaatikabong mga eksena niya lately lalo na ngayong nag-team up na ang mga Mulawin at sina Sang’gre Pirena at Lira (Mikee Quintos) para matalo ang mga kalaban.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na