NAKASANAYAN na ang pagtutok ng televiewers sa masayang weekend tropa na pinangungunahan ni Eugene Domingo dahil bawal na bawal sa kanilang programang Celebrity Bluff ang pagtitipid sa halakhak at trivia.

Kaya ang sabi naman ni Eugene at ng bluffing trio na sina Edu Manzano, Boobay at hari ng mga Ravena na si Dennis Trillo, sagot nila ang saya tuwing Sabado night.

Ngayong Sabado, magpapagalingan at magpapautakan ang celebrities na lalahok sa nakakalitong Fact or Bluff round at nakakanerbiyos na Word War.

Makisaya kasama sina Sanya Lopez at Rocco Nacino, Angelu de Leon at Bobby Andrews, Kris Bernal at Rafael Rosell.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dadagdagan pa ni Boobsie ang saya dala ang kanyang amazing jokes.

Abangan kung aling pares ang mabobokya at kung aling pares din ang makakalusot sa bluffing powers ng matitinik na power trio at didiretso hanggang sa Tough 10.

Abangan ngayong Sabado, August 5, pagkatapos Magpakailanman sa GMA-7.