Nakasungkit ang mga miyembro ng Philippine National Rowing Team ng tatlong silver at dalawang bronze medals sa katatapos na Southeast Asian Rowing Championships na idinaos sa Danang, Vietnam.

Nagwagi ang Olympian na si Benjie Tolentino ng silver medali nang tumapos siyang pangalawa sa Men’s Single Sculls.

Ang dalawa pang silver medals ay napanalunan naman nina dating SEA Games gold medalist Nestor Cordova at Roque Abala sa Men’s Double Sculls at ng Women’s Double Sculls tandem nina Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco.

Nanalo naman ang junior rower na si Cris Nievarez, isang Youth Olympic Games hopeful, at si Delgaco ng bronze medals.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Batay sa resulta, sinabi ni national coach Edgardo Maerina na nananatiling napag-iiwanan ang mga Pinoy rowers ng kanilang mga counterparts mula sa Vietnam at Indonesia na siyang nagsipagwgi ng gold medals.

Kaya naman patuloy aniya ang isinasagawa ng Philippine Rowing Association na grassroots program upang makabuo ng isang competitive team para sa mga susunod na international competitions gaya ng 2018 Asian Games at 2019 SEA Games.