Ni NITZ MIRALLES

NA-STRESS siguro nang husto si Kris Aquino sa pag-aasikaso sa business permit ng bubuksang branch ng Chow King sa QC Rotonda, kaya nag-decide siyang mag-offline sa social media for a few days.

“To regain my balance. Back soon, PROMISE,” sabi niya.

kRIS copy copy

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Pinasalamatan ni Kris ang mga ate niya, ang kasosyo sa Chow King at ang financial advisers na umalalay sa kanya para matuto siyang magdesisyon gaano man kahirap.

“In other words, they supported my leadership decisions & their faith in me bolstered my strength... In truth, this was my business baptism of fire: a sleepless night, genuine fear about our combined sizeable investment -- but I learned valuable ownership insights about the wisdom of having CLEAN papers & organize files, a good legal team, a thorough accounting firm, and most of all avoiding bringing up personal angst or playing the victim card because in the end POSITIVITY WINS.”

Nauna rito, nag-post si Kris kung paano sila nagkaproblema sa pagkuha ng business permit dahil sa discrepancies sa KCAP o Kris Aquino Productions na solo niyang pagmamay-ari at ang Chow King na may kapartner siya.

Hinaing ni Kris, “hindi ko maintindihan kung bakit ako ginigipit?” Honest taxpayer daw siya at sa QC halos lahat ang trabaho niya at dito niya pinalaki ang mga anak niya. “Mahal ko ang QC kaya nga dito ko ‘binubuhos ang investment ko,” hinaing ni Kris.

Kapag naging operational ang Chow King, 24 hours itong bukas at hindi bababa sa 50 katao ang mabibigyan niya ng trabaho.

Hindi lang naman kasi pansariling kita ang iniisip ni Kris, gusto niyang makatulong sa job creation sa bansa.

Naayos na siguro ang problema ni Kris, pero nahirapan siya at na-stress.