Ni: Ador Saluta

HOT topic at inaabangan ang kauna-unahang concert ni Jake Zyrus na mas nakilala sa buong mundo bilang Charice Pempengco.

JAKE ZYRUS copy copy

Pagkatapos magpalit ng screen name upang mas maipahayag ang kanyang male gender identity, muli siyang babalik sa concert stage. Ang concert na may pamagat na I Am Jake Zyrus ay gaganapin sa October 6, 8 PM sa Music Museum.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“I am so happy about this concert dahil finally mai-express ko ang tunay kong sarili. Excited ako sa mga kantang ipi-perform ko sa show,” sambit ni Jake.

Mixed emotions man ang publiko at fans ni Jake, hindi ito magiging hadlang upang patuloy niyang ibahagi ang kanyang singing talent lalo na sa mga nagpakita ng respeto at pagmahahal sa kanya. Maraming dapat abangan sa show lalo na’t may nakakapasin sa pagbaba ng tono ng boses niya.

Pero tiniyak ng singer na hindi mabibigo ang kanyang fans na manonood ng show. Puspusan ang ginagawa niyang paghahanda para mapaganda ang concert at pinag-iisipan niyang mabuti ang kanyang mga aawitin. Siyempre pa, kasama sa line-up of songs ang latest single niyang Hiling na nagtatamasa ngayon ng malakas na radio airplay.

Bukod sa ilang surprise guests, makakasama ni Jake bilang musical director si Troy Laureta, ang Filipino-American musical director, keyboardist at record producer na matagal na niyang nakakatrabaho sa shows. Ang ilang international artists na nakatrabaho na ni Troy ay sina David Foster, Ariana Grande, Deborah Cox, Iggy Azalea, to name a few.

Ang I Am Jake Zyrus ay prodyus ng The Mad Union Entertainment Production at Echo Jham Productions, in partnership with Star Music at Star Events. Tickets are priced at P4,000 (with meet & greet and autographed poster), P3,200, P2,500, P1,800 at P1,000, na available sa Music Museum, Ticketworld at SM Tickets. Para sa updates, i-follow si Jake Zyrus sa @teamjakezyrus on Facebook, Twitter, at Instagram.