Ni NITZ MIRALLES

MAGKAIBA na ang ginagawa ng former love team na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid dahil habang nasa Nice, France si Gabbi para sa photo shoot ng Mega, naiwan sa bansa si Ruru. Napanood ang aktor sa pre-anniversary presentation ng Sunday Pinasaya na magsisimula ang month-long celebration sa August 6.

RURU copy copy

Nag-training din ng archery si Ruru sa Kodanda Archery Range bilang paghahanda sa taping ng Alyas Robin Hood 2. May eksenang papana rin ang karakter ni Ruru at sa halip na kumuha ng double, pinag-training siya ni Direk Dominic Zapata ng archery para siya na mismo ang gumawa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Ang mangyayari, habang nagpapaka-lawyer si Kuya Dingdong (Dantes), iiwan muna niya ang pagiging vigilante, ako muna ang gagawa ng kanyang trabaho na magtatatnggol sa mga inaapi. Ako muna ang papana, kaya kailangan kong mag-aral ng archery,” kuwento ni Ruru.

Nag-training din si Ruru ng Yao Yan na Filipino martial arts daw dahil sasabak na talaga siya sa action. Babaguhin ng GMA-7 ang image niya sa Alyas Robin Hood 2, hindi na lang siya pang-love team at pang-matinee idol, gagawin na rin siyang action star. Tinanggap ni Ruru ang challenge.

Totoo bang paghuhubarin din siya sa Alyas Robin Hood 2?

“Hindi ko pa alam, wala pang sinasabi sa akin. Kung may eksena mang maghuhubad ako, gagawin ko. Kailangang sundin ang nasa script at si Direk Dom. Kahit wala pa akong abs, kailangang gawin. Sana lang, hindi ma-turn off ang televiewers,” wika ni Ruru.

Malapit na ang pilot ng Alyas Robin Hood 2 at kung ang action series ang ipapalit sa My Love From The Star, sa August 14 na ang premiere telecast nila.