Ni REGGEE BONOAN

TINAPOS na ni Richard Gutierrez ang pagiging binata dahil pagkalipas ng limang taong pagsasama nila ni Sarah Lahbati at nabiyayaan ng anak ay magpapakasal na sila.

Sarah richard copy

Nitong nakaraang Lunes ng gabi, nag-post si Sarah ng litratong nakaluhod sa harapan niya si Richard at may inaabot na singsing na puro snow ang kapaligiran dahil naroroon sila sa Switzerland.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Caption ni Sarah, “The stars aligned in the universe and this happened. I’m marrying my best friend.”

At si Richard naman ay nag-post sa kanyang IG account ng litrato habang karga si Sarah na ipinapakita ang engagement ring.

Caption ng aktor, “I love you and I can’t wait to start this new chapter of our lives together.”

Mahalaga at memorable ang bansang Switzerland para kina Richard at Sarah kaya doon napili ng aktor na mag-propose sa gitna ng yelo. Doon nagtago ang aktres nang ipinagbubuntis niya noon si Zion.

Wala pang ibinigay na detalye sina Richard at Sarah kung kailan ang kasal nila, pero ang sigurado ay sa Europe ito mangyayari at ang honeymoon nila ay sa Cocos Island National Park sa Costa Rica na gusto ng aktres.

Mukhang perfect time lahat ang marriage proposal ni Richard dahil maganda ang career niya ngayon sa seryeng La Luna Sangre bilang si Sandrino, ang hari ng mga bampira.