NI: Fer Taboy

Patay ang isang opisyal ng barangay habang sugatan naman ang binatang anak niya matapos silang pagbabarilin ng apat na suspek, na dalawa sa mga ito ang naaresto kahapon.

Nakilala ang napatay na si Ben Dilangalen, chairman ng Barangay Rosary Heights 6, Cotabato City, habang sugatan naman si Norhan Dilangalen, 20, binata.

Ayon kay Senior Supt. Victor Valencia, hepe ng Cotabato City Police Office (CCPO), dakong 7:50 ng gabi nitong Lunes nang pinasok ng apat na katao ang bahay ng mga biktima at pinagbabaril gamit ang .45 caliber pistol.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Kaagad na tumakas ang mga suspek ngunit natukoy ng pulisya na kapitbahay lang ng kapitan ang mga ito kaya nadakip ang dalawa sa mga ito, habang pinaghahanap ang dalawa pa.

Naglaan na ng P50,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng dalawa pang suspek na makakahuli sa dalawa pang natitirang suspek.