TALIWAS sa unang naipahayag, hindi na tatanggapin ang mga binabaeng tinale (hennie) sa 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby.

Inilabas ang desisyon matapos na ipaabot nang maraming kumpirmadong kalahok na malalagay ang kanilang mga panlaban sa alanganin pagdating ng laban dahil ang likas na reaksiyon ng mga regular na tandang kapag nakaharap ang isang binabae o tandang na may balahibo ng isang inahen o mukhang inahen, ay ang gumiri sa halip na lumaban.

Itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manil, ang Master Breeders Edition ay tatanggap ng banded ng mga local associations sa pangangasiwa ng Federation of International Gamefowl Breeders Associations (FIGBA),

Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan) Inc. (PFGB-Digmaan), gayundin ang stags banded ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA).

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Gaganapin ang prestihiyosong pasabong sa Newport Performing Arts Theatre of Resorts World Manila sa September 15-24.

Ang natatanging programa ay isinusulong ng mga host na sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

May pahintulot ng Games & Amusements Board, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby ay may garantiadong premyo na P15 Million para sa entry fee ng P88,000 at minimum bet na P55,000.

Bibigyan din ng bagong Mitsubishi Strada mula sa Resorts World Manila ang magwawaging breeder.

“We have to limit the number of entries, not only because of the available cockhouses, but also because this is a 10-day derby and our target is to finish before midnight everyday so that it will not be that taxing for everybody”, pahayag ni Ramos.