June 14, 2026

Home SPORTS

'Living hell!' Stepdaughter ni Coach Tab, may pasabog!

'Living hell!' Stepdaughter ni Coach Tab, may pasabog!
Photo courtesy: Tudor Clee, ADMU

Naglabas ng pahayag sa social media ang isang babae na nagpakilalang stepdaughter ni Ateneo Head Coach Tab Baldwin kaugnay ng mga usaping kinahaharap ng beteranong basketball coach.

Sa isang post sa X, nitong Sabado, Hunyo 13, 2026, ibinahagi ni Giota Kalogirou—stepdaughter ni Baldwin, ang umano’y ilang beses na pagmamakaawa ng kaniyang ina sa management ng Ateneo kaugnay ng paghawak ni Baldwin sa Blue Eagles team.

“My mom BEGGED them to assign him into a different team - a team with adults, away from the University, away from minors and they not only ignored her but made her life living hell for months. Keep asking questions,” ayon sa post ni Kalogirou.

Kinumpirma naman ni Tudor Clee, na nagpakilalang abogado ng umano’y estranged wife ni Baldwin na si Efi, na si Kalogirou ay isa sa apat na anak ni Efi mula sa nauna nitong relasyon.

Lumabas ang naturang pahayag habang patuloy na pinag-uusapan sa publiko ang mga alegasyong may kaugnayan kay Baldwin kaugnay pa rin ng kontrobersyal na pagpanaw ng dalawang Ateneo basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa kasagsagan umano ng kanilang team building sa Aurora.

Aqua training, dapat sa swimming pool hindi sa dagat!'—batikang coach

Samantala, nitong Sabado rin nang maglabas ng hiwalay na pahayag ang estranged wife ni Baldwin laban sa nasabing beteranong coach.

“I repeatedly told the Ateneo University that children are not safe around him, and it was their duty to remove him. I urged them to move him away from the university campus and they proceeded to launch a campaign of intimidation and silencing,” saad ni Efi. 

Panghihikayat ni Efi sa mga magulang nina Baterbonia at Adili, maaari daw maiwasan ang mapait na sinapit ng dalawa kung nasibak lang ng pamantasan si Coach Tab. 

“Rovelyn and Elias, the death of your kids were not only predictable but preventable. The bodies of your kids are still warm and he’s talking about moving on, that’s terrible,” aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: 'Players are not safe around him!' Estranged wife ni Coach Tab, matagal nang nagbabala sa Ateneo!

Bago nito, matatandaang iisang beses pa lamang nagsalita si Baldwin hinggil sa kinahaharap niyang isyu matapos ang nangyaring insidente sa dalawang atleta.

Wala pang inilalabas na pahayag si Baldwin hinggil sa nasabing mga pahayag ni Giota.