July 19, 2026

Home BALITA

Payo ni Claudine: 'Habang may mga magulang kayo, mahalin n'yo!'

Payo ni Claudine: 'Habang may mga magulang kayo, mahalin n'yo!'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Claudine Barretto (IG)

Nagbigay ng payo si Optimum Star Claudine Barretto para sa lahat ng anak na nakakapiling pa rin ang mga magulang hanggang ngayon.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Hunyo 12, naungkat ang tungkol sa halos magkasunod na pagpanaw ng kaniyang inang si Estrella “Inday” Barretto at kapatid na si Mito Barretto.

Ayon kay Claudine, ngayon lang daw niya nararamdaman ang lungkot ng mawalan.“I wouldn’t be able na makayanan ang lahat ‘to kung wala ang Cosme family, sa totoo lang. There are days na hindi ko talaga kaya,” saad ng aktres.

Dagdag pa niya, “Kahit madaling-araw, 24/7 naka-standby ‘yang dalawang ‘yan [sina Boy2 Quizon at Vandolph] and si Maybelyn [dela Cruz].”

Nami-miss umano ni Claudine ang nanay niya sa mga panahong may gustong-gusto siyang ikuwento.

Politics

Giit ni SP Gatchalian: 'Sineseryoso ko ang trabaho!'

“And then you reach for your phone tapos, ‘Ay, wala na pala akong tatawagan.’ Habit. That happens to me all the time,” dugtong pa ng Optimum Star.

Kaya payo niya sa lahat, “Habang may mga magulang kayo, mahalin n’yo ang magulang n’yo, lalo na ang nanay ninyo. Hindi n’yo alamkung gaano kaimportante ang isang nanay talaga sa pamilya.”

Matatandaang Setyembre 2025 nang pumanaw si Mito samantalang si Inday naman ay sumakabilang-buhay noong Enero 2026.

Maki-Balita: Inday Barretto, pumanaw na