Ni NITZ MIRALLES

BAGO ang haircut ni John Lloyd Cruz, na bumagay sa kanya kaya puro positive feedback ang nababasa naming comments.

Pinaka-cute na comment na nabasa namin, may pag-asa pa rin siya kay Sarah Geronimo, ‘wag lang daw siya susuko. Parang ang fans nina John Lloyd at Sarah ang ayaw sumuko, di ba?

JOHN LLOYD copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

‘Kaloka dahil taken na si Sarah at very much in love sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli, pero hindi rin maitatangging marami silang fans. Ang patunay nito ay ang pagiging box-office hit ng Finally Found Someone ng Star Cinema and in fact, sa four days showing nito, kumita agad ng P100M.

Nakakatuwa na pati fans ng ibang aktor nagpa-block screening sa movie nina John Lloyd at Sarah. Ang tinutukoy namin ay ang Aldenatics ni Alden Richards at special guest pa nila si John Lloyd. Magkaibigan kasi sina John Lloyd at Alden, pareho ang glam team nila at sa nakaraang birthday nga ni John Lloyd, isa sa mga bisita si Alden.

Si Sarah naman ay co-endorser ni Alden sa Cebuana Lhuillier at nagkasama na sa TVC shoot, kaya hindi man close friends, magkakilala sila.

Anyway, ang tanong ng fans ni John Lloyd ay kung para saan ang bago niyang haircut? May bago ba siyang pelikula o TV show na pinaghahandaan?