Lindsay at Dave
Lindsay at Dave

ni Nitz Miralles

IBINABALIK sa Alyas Robin Hood 2 ang love team nina Dave Bornea at Lindsay de Vera, gumaganap na Julian Balbuena Esguerra at Lizzy de Jesus respectively.

Maganda ang pagtanggap ng viewers sa tambalan ng dalawa sa Book 1 ng action series, kaya muli silang isinama. Malalaman sa Book 2 kung nag-level up ang kanilang relasyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napansin ng press people ang kakaibang closeness nina Dave at Lindsay at para nga silang magdyowa kung kumilos. Pero sabi ni Lindsay, hindi pa siya nililigawan ni Dave.

“Kung liligawan ako, I’ll be open. I feel very blessed to have him as a love team. Pero hindi pa niya ako nililigawan at kung liligawan niya ako, I have two brothers to check him out. Okay siya sa brothers at mom and he treats me well,” sabi ni Lindsay.

Ang suwerte ni Dave ‘pag naging girlfriend niya si Lindsay dahil at 17 years old, wala pang naging boyfriend ang Fil-British-Spanish beauty. Pero ang pagiging No Boyfriend Since Birth o NBSB din yata ang dahilan kung bakit hindi pa nililigawan ni Dave si Lindsay (granted na hindi pa sila).

“Totoo ang sinabi ni Lindsay, hindi ko pa siya nililigawan because I care about our friendship. Natatakot ako na halimbawang naging kami na, ‘tapos mag-aaway kami, baka maapektuhan ang friendship namin. ‘Yun ang problema ko,” pahayag ni Dave.

Tingnan natin kung hanggang kailan makakatiis si Dave na hindi ligawan si Lindsay lalo na kung biglang dumami ang manliligaw ng ka-love team. As of now, ang nabuong friendship at Alyas Robin Hood 2 muna ang priority nila.

“Sobrang grateful and blessed kami na muling mabigyan ng opportunity to be part of Alyas Robin Hood 2. Minsan lang itong mangyari, iti-treasure namin at gagalingan bilang pasasalamat na muli kaming isinama sa series,” pangako nina Dave at Lindsay.