Nagpahayag ng pasasalamat sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga kinatawan ng non-government organizations (NGOs) mula sa Atimonan, Quezon.

Ito ay bunsod ng pangako ng ERC na aaksiyunan sa loob ng tatlong buwan ang power supply agreement (PSA) ng Atimonan One Energy, Inc. at Meralco.

Ang naturang PSA na lamang ang hinihintay upang umusad ang pinaplanong 1,200-megawatt coal-fired power plant ng Atimonan One Energy na itatayo sa Barangay Villa Ibaba.

Matatandaang nitong Hulyo 4 ay sama-samang nagpunta sa ERC at Batasang Pambansa ang ilang NGO, mga kawani ng pamahalaang bayan ng Atimona, at mga residente, upang magpahayag ng suporta sa naturang proyekto.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Kabilang sa mga grupong nakiisa sa layuning ito ang Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Balubad, Lubi, Talaba, at Kilait (SMM BALTAK), Barangay Tanod Federation, OFW Federation, Carinay Homeowners Association, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), Livelihood Program of Atimonan Tricycle Association, Inc., at Farmers Federation.

Sa tulong ng malaking proyektong ito, ang Atimonan ay magiging isang progresibong bayan tulad ng mga kalapit-bayan nitong Mauban at Pagbilao, na may kani-kanyang power plant.