NI: Gilbert Espeña

Waring si Jeff Horn at ang kanyang bagong promoter na si Top Rank big boss Bob Arum lamang ang naniniwalang tinalo niya ang Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao dahil patuloy na dumarami ang lumalantad at nagsasabing naniniwala silang niluto ang laban ng dalawa kamakailan sa Brisbane, Australia.

barrera copy

Maging si 2017 International Boxing Hall of Fame inductee Marco Antonio Barrera ay naniniwalang hindi dapat nanalo sa puntos ang napakaruming maglaro na si Horn na nagwagi sa mga iskor na 115-113, 115-113 at 117-111 kahit muntik mapatulog sa 9th round.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I thought that he got robbed. In a rematch Pacquiao would win,” sabi ni Barrera sa BoxingScene.com hinggil sa boksingerong dalawang beses tumalo sa kanya.

Ngunit pinuna niya na hindi na katulad ng dati ang bilis ni Pacquiao at nawala na rin ang pamatay na suntok nito na minsang nagpatigil sa kanya para kilalaning People’s Champ sa featherweight division.

“He has slowed down a lot. He hasn’t had a knockout in 8 years so he has changed. I don’t know if it is because of (his new) religion - also his muscle structure isn’t the same as before,” sabi ni Barrera hinggil kay Pacquiao na huling nanalo via knockout nang mapatigil si Puerto Rican Miguel Cotto sa 12th round noong 2009.