Ni NORA CALDERON

THANKFUL ang netizens na sumusubaybay sa Mulawin vs Ravena nang ipasok sina Sang’gre Pirena (Glaiza de Castro) at Lira (Mikee Quintos) ng katatapos na Encantadia.

Miguel, Mikee at Bianca copy

Nagkaroon daw ng balanse ang pagpasok ng dalawang character na mahal ng mga tagasubaybay ng Encantadia. Masyado raw kasing seryoso ang tema ng Mulawin vs Ravena na kahit may time na dapat kang tumawa ay hindi ka pa rin matatawa dahil ang kasunod na eksena ay hindi naman dapat tawanan.

Lifehacks

PAALALA: Sumakses na umiwas sa mga plastik!

Kaya sa pagpasok nina Pirena at Lira, kung seryoso rin si Pirena na ituloy ang pagtulong sa mundo ng mga tao, sa tulong ng mga Mulawin, dala naman ni Lira ang character niyang mula sa daigdig ng mga tao na kinalakhan niya, millennial ang dialogue niya. Higit sa lahat, ang hindi makakalimutang dala-dala niya nang mapunta sa kaharian ng Lireo, ang cellphone, na kahit wala namang charger, patuloy na may battery at load.

Sina Pagaspas (Miguel Tanfelis) at Lawiswis (Bianca Umali) ang unang na-amaze sa kanyang celfone, na nakikita ang sarili nila nang makipag-groupie shot si Lira sa kanila. Agad ding napansin ni Lira na may pagtingin sina Pagaspas at Lawiswis sa isa’t isa at hindi raw iyon maikakaila sa kanya.

Kaya naman maraming netizens ang nagri-request na sana ay ipasok na rin sa bagong telefantasya ang ibang characters ng Encantadia lalo na iyong mga wala pang ginagawang projects ngayon sa GMA-7.

Napapanood gabi-gabi ang Mulawin vs Ravena after ng 24 Oras.