Ni: Leo P. Diaz

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Muli na namang nakaligtas sa pag-aresto ang isang lalaking target ng search warrant, na isinilbi kahapon ng umaga sa Barangay New Carmen sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Chief Insp. Modesto Carrera, hepe ng Sultan Kudarat-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na wala sa lugar si Robert Panes nang gawin ang raid pasado 8:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Carrera, ang raid ay isa lamang sa mga follow-up operation ng pulisya laban kay Panes.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Una nang nakumpiskahan ng tatlong AK-47 ang tatlong tauhan umano ni Panes sa Bgy. Kenram sa Isulan, Sultan Kudarat, at wala umanong kaukulang dokumento ang nasabing mga armas sa kabila ng pagmamay-ari ni Panes ang Priority Security Agency.

Nauna nang nakasamsam sa tanggapan ni Panes ng isang AK-47 na may tatlong magazine at 78 bala, isang .9mm Berreta na may pitong magazine at 184 na bala, anim na .38 caliber na dalawa ay duplicated, 54 na bala para sa Garand rifle, isang magazine ng M16 armalite, at iba pang mga baril.