Ni: Jun Fabon

Kaagad na ipinag-utos ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang massive manhunt operation laban sa tatlong armado na pumaslang sa isang 58-anyos na babae sa Barangay Batasan Hills, iniulat kahapon.

Base sa report ni SPO3 Joel Gagasa, desk officer ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang biktimang si Berlina C. Bactol, negosyante, ng Cotabato Street, Bgy. Batasan Hills.

Nabatid na kaagad na nasawi si Bactol dahil sa tinamong mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lumitaw sa imbestigasyon ng CIDU na dakong 10:30 ng gabi nitong Huwebes nang pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki ang matanda sa panulukan ng Cotabato at Sinangtala Streets sa Bgy. Batasan Hills.

Kasasakay lamang umano ni Bactol sa tricycle nang harangan ang sasakyan ng Toyota Corrola na walang plaka, bumaba ang mga suspek, hinatak ang matanda palabas ng tricycle at pinagbabaril.