LIZA copy

ANG guwapo ng anak ni Jericho Rosales kay Kai Palomares na si Santino Rosales at sana hindi sila magalit na kumuha kami ng picture ni Santino sa Instagram niya.

Guwapo na, matangkad pa at kung hindi kami nagkakamali, football player ang bagets sa school nila.

Isa na ring professional model si Santino at member na yata ng Professional Models Association of the Philippines at rumampa sa isang fashion show sa Samsung Hall sa SM Aura Premier. Ipinost ng mom ni Santino ang pictures niya habang nasa runway at talaga namang model na model ang dating.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa pagbisita sa social media account ni Santino, nakita namin ang picture nila ni Liza Soberano. Sana lang, hindi siya ma-bash sa caption niya na, “Honestly, I don’t mind if this ruins the feed and I look super awkward. I JUST MET MY SUPER SUPER CELEB CRUSH @lizasoberano my whole body absolutely froze and so did my face!”