Ni JIMI ESCALA

MAHIGPIT na nagbilin ang source namin na huwag babanggitin ang pangalan niya kapag sinulat namin ang ikinuwento niya na nakaplano na ang pagpapakasal ng kanyang kaibigan at kapwa mang-aawit na si Sarah Geronimo sa boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

SARAH AT MATTEO copy

Ayon sa source, malamang daw na maganap ang kasalang Sarah at Matteo ngayong taon. Nakuha ng source namin ang impormasyong ito mula sa kaibigan niya mismo.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Katunayan, may kinausap na raw silang wedding coordinator na lihim nang namamahala ngayon sa lahat-lahat ng paghahanda para sa sinasabing kasalan.

“Malamang na ang kasalang Sarah at Matteo ang pinakabonggang event sa taong ito. May mga nasagap na akong detalye pero hayaan na lang nating mismo ang dalawa ang magsalita tungkol dito,” sey ng source.

Samantala, parehong tikom ang bibig ni Sarah at ni Matteo tungkol sa isyung ito. Kung busy sa negosyo at endorsements si Matteo, nakasentro naman ang atensiyon ni Sarah sa pelikula nila ni John Lloyd Cruz na palabas ngayon sa mga sinehan, ang Finally Found Someone na ayon sa Star Cinema people ay kumita ng P20M nang magbukas sa mga sinehan nitong nakaraang Miyerkules.

Nangangahulugan ito na hindi pa rin kumukupas ang drawing power nina Sarah at Lloydie sa moviegoers.