Ni NITZ MIRALLES

PAGSASAMAHIN sa Alyas Robin Hood 2 ang dati at bagong cast na kinabibilangan nina Rob Moya (dati) at Jason Francisco (bago). Tama ang basa ninyo, kasama si Jason sa cast ng action series ng GMA-7.

ROB MOYA copy

Si Jason ay discovery ng ABS-CBN, asawa ni Melai Cantiveros, wala na sigurong kontrata sa Kapamilya Network, kaya malayang nakatawid sa kabilang network. Walang isyu dapat dito, kung saan may offer na trabaho, doon ka magtrabaho.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nagbabalik ang karakter ni Rob na si PO4 Alex Cruz at dahil sinabihan siya ng production at ni Direk Dominic Zapata na mapapasubo siya sa maraming action scenes, naghanda siya nang husto.

Nagwo-workout siya every night para mabigyan ng magandang katawan ang viewers. From 8 PM to 1 AM, nagwu-workout siya, natutulog at gumigising ng 4 PM, para mag-jogging, ‘tapos, matutulog uli. Ang resulta, ang malalaking muscles at 4–pack abs na malapit nang maging 6-pack.

Ang isa pang pasabog ni Rob ay ang inaming crush niya si Andrea Torres na muli niyang makakasama sa Alyas Robin Hood 2.

“My one and only crush is Andrea Torres. I find her really attractive in and out. Sobrang bait. Kung maging girlfriend ko siya, life changing sa akin ‘yun. Alam niyang crush ko siya dahil sinasabi sa kanya ng mga napagsabihan ko. Hindi ko pa siya nililigawan, kinakabahan ako. Pero gusto ko siyang maging girlfriend,” pag-amin ni Rob with matching taas pa ng kamay at sigaw ng, “Yes!”

Napansin namin, hindi tinanong ni Rob kung may relasyon pa sina Andrea at Sef Cadayona pa. Alam na rin siguro niya na break na ang dalawa, kaya pinayuhan pa ng mga reporter na pormal nang ligawan si Andrea.