Nina LESLIE ANN G. AQUINO at FRANCIS T. WAKEFIELD

Mapanganib na senyales. Ito ang tingin ng isang obispong Katoliko sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Commission on Human Rights (CHR).

“His desire to abolish CHR is a sign that he has the dangerous tendency to be a dictator. Heavens forbid!” pahayag ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa isang panayam kahapon.

Pinaalalahanan ni Bastes ang Pangulo na ang CHR ay isang mandato mula sa Konstitusyon.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

“It is a recognized body among the international community approved by the United Nations. He has absolutely no knowledge about how governments should operate in a democratic society like the Philippines,” aniya.

Binalewala naman ni retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani ang banta, iginiit na hindi maaaring burahin ni Duterte ang CHR dahil ito ay isang “constitutional body.”

Sa isang press conference noong Lunes, sinabi ni Duterte na mas mainam pang buwagin na lamang ang CHR.

Naging masugid na kritiko ang CHR ng war on drugs at mga diumano’y paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon.

Ang CHR ay isang malayang opisina na nilikha sa ilalim ng 1987 Constitution of the Philippines, na ang pangunahing tungkulin ay imbestigahan ang lahat ng uri ng mga paglabag sa karapatang pantao na kinasasangkutan ng civil at political rights sa bansa.

Binanggit naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa panayam ng mamamahayag sa Makati City kahapon ng tanghali, ang mga praktikal na dahilan o mga bentahe ng pagkakaroon ng CHR, gayundin ang disadvantages nito.

“Well there are practical reasons or advantage of the Human Rights Commission, sa tingin ko marami ding disadvantages. Like sometimes people are prevented from doing their job because they are so afraid of the consequences of their human rights commissions (or) actions,” ani Lorenzana.

“At saka isa pa bago kami ma-promote ng isang ranggo we have to go to the human rights commission to get clearance from them that we are not violators of human rights,” dagdag niya.

Ngunit sa kabuuan, naniniwala si Lorezana na hindi na ito kailangan.

“But on the whole actually I agree with Bato (PNP chief dela Rosa) hindi naman kelangan siguro,” aniya.

“When we took our Oath of Office ang pinaka-importanteng parte ng oath namin is to defend and protect the Constitutuon of the Philippines. Ano ang pinaka-improtanteng parte ng constitution? it is the bill of rights. It says “no person should be deprive life liberty or property without due process”. Susundin mo lang hindi mo kailangan ang human rights siguro,” diin ni Lorenzana.