ALASKA (AFP) – Isang maliit na green sponge na nadiskubre sa madilim at nagyeyelong bahagi ng Pacific sa Alaska ang posibleng unang epektibong panlaban sa pancreatic cancer, pahayag ng mga mananaliksik nitong Miyekules.
Pinakamahirap gamutin ang pancreatic cancer dahil karaniwang mabagsik ang mga tumor nito.
“One would never have imagined looking at this sponge that it could be miraculous,” sabi ni Bob Stone, mananaliksik sa NOAA Alaska Fisheries Science Center, sa briefing sa pamamagitan ng telepono.
Nadiskubre ni Stone ang sponge na tinatawag na “Latrunculia austini” noong 2005 habang ginagalugad ang karagatan ng Alaska. Nabubuhay ito sa mga bato sa lalim na 230-720 feet.
Nakita sa mga pagsusuri sa laboratoryo na nawawasak ng ilang molecules na taglay ng sponge na ito ang pancreatic cancer cells, sabi ni Mark Hamann, mananaliksik sa University of South Carolina na katrabaho ni Fred Valeriote ng Henry Ford Cancer Institute sa Detroit.
“This is undoubtedly the most active molecule against pancreatic cancer that we see,” ani Hamann. “Although there is still much work to be done, it marks the first key step in the discovery and process of developing a treatment,” aniya.
Mabagal ang pagkalat ng pancreatic cancer, kaya hindi ito kaagad nasusuri at kalimitang huli na para malapatan ng lunas.
Ang tsansa ng pasyente na mabuhay ng limang taon sa tumor na ito ay 14% lamang, ayon sa American Cancer Society.
“I’ve looked at 5,000 sponge extracts over the last two decades,” ani Valeriote. “In terms of this particular pattern of pancreatic and ovarian cancer selective activity, we’ve only seen one (other) sponge with such activity, and that was one collected many years ago in Indonesia.”