Ni: Genalyn D. Kabiling

Determinado ang gobyerno na gumamit ng puwersa laban sa mga grupong nanggugulo, kabilang ang mga ilegal na kumukubkob ng mga pabahay ng gobyerno, sinabi ni Pangulong Duterte nitong Martes.

Ayon kay Duterte, hindi dapat na gawing dahilan ang pagiging mahirap upang manggulo.

“Do not practice anarchy because I will not hesitate, maniwala kayo. ‘Pag nagsira kayo, nagnakaw kayo, nag-demonstrate violently, nagsunog kayo ng hindi ninyo kotse, ipabaril ko kayo,” sinabi ni Duterte sa harap ng nagtipong negosyanteng Filipino-Chinese sa Malacañang kamakalawa. “Maski na ako ang magkaroon ng record na maraming pinatay na Pilipino.”

Eleksyon

Rita Avila, nagpaalala: 'Huwag na po tayong masilaw sa ayuda'

Nanawagan din si Duterte sa grupong Kadamay na huwag nang ulitin ang ilegal na pagkubkob sa mga pabahay sa Bulacan, na para sa mga pulis.

“Nagwa-warning ako sa inyo. Kung ulitin ninyo ‘yan at pipilitin n’yong papasok, ang order ko talaga, paalisin kayo sa puwersa. Either batutahin kayo o ‘pag lumaban kayo, ipagbabaril ko kayo,” sabi ni Duterte. “Huwag ninyong gamitin ‘yang pagka-pobre n’yo to create chaos.”