NI: Jel Santos

Sa kabila ng matinding buhos ng ulan kahapon na dulot ng bagyong “Gorio”, nagawang lamunin ng apoy ang 200 bahay sa Malabon City.

Ayon sa Malabon Bureau of Fire and Protection (BFP), aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng masisilungan dahil sa nangyaring sunog.

Base sa imbestigasyon, sumiklab ang apoy nang makaligtaan ng isang residente ng Dulong Herrera Street, sa Barangay Ibaba ang kalan, bandang 6:00 ng umaga.

Internasyonal

Pope Francis, may inelbow na Cardinal; hindi raw pwedeng sumali sa conclave?

Ayon sa fire investigators, mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang magkakadikit at gawa sa light materials.

Pagsapit ng 8:00 ng umaga, base sa mga ulat, umabot sa ikalimang alarma ang sunog na tuluyang naapula bandang 8:40 ng umaga.