Joel Cruz _lang copy

Ni MERCY LEJARDE

SA first general rehearsal ng Awit sa Marawi Concert for a Cause ng Singing Soldiers na produced and conceptualized by the Lord of Scents himself, CEO ng Aficionado na si Joel Cruz with Token Lizares, Singing Soldiers Champion Mel Sorillano in cooperation with Jams Artist Production of Jojo and Angel Flores, naikuwento sa amin ni Sir Joel na aalis siya sa August 2 papuntang Amerika para ibenta ang dalawa niyang mansion sa Beverly Hills, California sa nakakalulang amount to the highest level for a cause.

Hindi naman daw kasi nila nagagamit ang naturang mansions. Babalik siya ng ‘Pinas in time sa itatanghal na Awit sa Marawi sa August 15 sa AFP Theater, eksaktong 5 PM.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang Awit sa Marawi ay fundraising concert for the benefit of our injured and fallen soldiers, their families and displaced residents of Marawi.

Itatampok sa concert ang AFP Singing Soldiers headed by Mel plus guests performers Charity Diva Token Lizares, Sultry Diva Malu Barry, Millenial singer Kiel Alo, Gem Mascarinas The Tina Turner ng ‘Pinas and more surprise performers, mula sa direction ni Mari Hilario.