Nina MARY ANN SANTIAGO at FER TABOY

Arestado ang apat na pulis, na pawang nakatalaga sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Antipolo City Police, sa entrapment operation makaraang ireklamo ng isang lalaki sa Antipolo City, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinasuhan ng robbery extortion sina SPO1 Ginnie San Antonio, PO2 Randolp Opeñano, PO2 Erwin Fernandez, at PO1 Alejo de Guzman, Jr.

Nagsanib-pwersa ang Antipolo City Police, sa pangunguna ni Police Supt. Reynold Rosero, at ang Counter Intelligence Task Force Operatives ng Philippine National Police (PNP), sa pangunguna ni Police Supt. Michael John Mangahis, sa ACG Building, na matatagpuan sa Circumferential Road sa Barangay San Jose, dakong 6:10 ng gabi.

National

'Marcos pa rin!' Sen. Imee nag-react sa joke ni VP Sara, 'di papalitan apelyido

Nag-ugat ang pag-aresto sa reklamo ng isang Joseph delos Santos, na inaresto ng mga suspek sa Bgy. Masinag noong Hulyo 20.

Pinagbintangan umano siya ng mga suspek na may bitbit na ilegal na droga at pinagbantaan na itataas ang kaso kung hindi siya magbibigay ng P50,000.

Dahil dito, napilitang pumayag si Delos Santos at nagdesisyon na dumiretso at magsumbong sa awtoridad.

Agad ikinasa ang operasyon at tuluyang inaresto ang apat na suspek.