NI: Jeffrey G. Damicog

Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa 30 sa 44 na dayuhan na inaresto sa pagkakasangkot sa kidnap-for-ransom case ng isang babaeng Singaporean.

Sa 11-pahinang resolusyon, inabsuwelto ng DoJ ang 30 dayuhan sa kakulangan ng probable cause dahil hindi sila kinilala ng biktimang si Wu Yan na kabilang sa mga dumukot dito.

Kabilang sa mga inabsuwelto sina Li Jian Long, Pan Wei Jun, Cheen Chao Yi, Chen Guo Xiong, Wang Min, Meng Hao, Pao Xi, Hua Dong, Chuan Yan Xiao Tao, Lin Bing Wen, Kang, Cai Chun, Xie Qing Yun, Lin Zhin Tian, Li Lian Den, Qing Chi, Zhu Chong Guang, Lin Feng Bin, Liu Peng, Zhang Fu Xing, Li Yun, Zeng Wei, Wang Fei, Zhang Cheng Jian, Lin Chao, Zou Guan Bao, Rong Yi Wang, Li Hong Bing, Yuan Dan, Huan Tian Peng, at Yin Yun Long.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Ipinaliwanag ng DoJ na ang 30 “had not been identified by the complainant as part of the group that kidnapped her.”

Sa nasabi ring resolusyon, magpapatuloy ang DoJ sa pagsasagawa ng preliminary investigation kaugnay ng kidnapping at serious illegal detention laban sa 14 na dayuhan na kinilala ni Yan na dumukot sa kanya.

Sila ay sina Chin Jingwang, umano’y utak; Ou Min at Deng Kongzhi, kapwa dumukot at nanakit kay Yan; at ang mga nagbantay sa kanya na sina Ng Yu Meng, Goh Kok Keong, Chen Cheng Feng, Chen Jia Yang, Cai Si Yang, Cheng Zai Zheng, Zheng Wei Xiong, Wu Shi Zhu, Huang Lifang, Li Xiang Hu, at Ou Fang.